ASK AND IT SHALL BE GIVEN
Nagbunga ang ating pagpapadala ng letter of request at pagfofollow-up! Ngayong araw na ito, Oktubre 23, 2023, naganap ang blessing ng bagong police patrol na kaloob ng DILG sa pangunguna ni DILG Secretary Benjamin "Benhur" de Castro Abalos Jr. bilang tugon sa ating kahilingan na madagdagan ang mga kagamitan ng ating kapulisan. Pinangasiwaan ito ng ating Parish Priest na si Fr. Gerard Macalintal at sinaksihan nina Mayor Lyndon M Bruce, Konsehal Lito Rodriguez, Admin Byen Mayuga, mga kapitan ng barangay, School Heads, Department Heads at PNP - Laurel Officials.
Dalangin namin na mas marami pang katugunan sa ating mga requests sa National Government ang mabigyan ng katuparan. This is all for you, mga mahal naming Laureleño!



0 Comments