Libreng rehistro ng kapanganakan ng ating mga kababayan mula sa San Gabriel.







 Nakikiisa ang bayan ng Laurel, sa pamumuno ni Mayor Lyndon M. Bruce, sa Philippine Statitics Auhtority sa pagdiriwang ng 34th National Statistics Month na taunang ginganap tuwing buwan ng Oktubre. Ngayong taong ito, ang tema ng pagdiriwang ay “ Accelerating Progress: Promoting Data and Statistics for Healthy Philippines”.

Kaakibat ng pagdiriwang na ito, ipinamahagi ng staff ng Local Civil Registry Office noong Oktubre 19, 2023, sa pangunguna ni Ma'am Ronalyn Ramos, ang libreng rehistro ng kapanganakan ng ating mga kababayan mula sa San Gabriel. Nakatanggap din ng libreng PSA copy ng birth certificate ang ilan nating mga kapwa Laureleño.

Post a Comment

0 Comments