Kinikilala ng Bayan ng Laurel ang kahalagahan ng pagpapasigla sa industriya ng Kapeng Barako sa Lalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng pagtatayo ng nursery at demo farm. Sa pakikipag-ugnayan sa OPA-Batangas at Batangas State University (BatState-U) - The National Engineering University Lobo Campus, sa suporta ng Department of Agriculture, at Bureau of Agricultural Research, sinusuportahan ng tanggapan ang proyektong pinamagatang "BARAKO": Batangas Actions towards Revitalization and Acceleration of Kapeng Barako Industry.
Ang proyektong nabanggit ay nagbigay ng mga punla ng kape sa ilang magsasaka ng Laurel na sumailalim din sa Memoramdum of Agreement sa pagitan ng BatState-U sa kanilang pagsang-ayong mapangalagaan nang maayos ang mga naipamahaging punla.
Inaasahang mas marami pang magsasaka ang magtanim muli ng kape para muling pasiglahin ang industriya ng kape hindi lamang sa Lalawigan ng Batangas kundi maging sa buong Pilipinas.



0 Comments