Sinagawa ng Office of the Municipal Agriculturist ang Training on Climate Smart Agriculture in Rice noong ika-22 ng Nobyembre 2023.






 Bilang paghahanda sa darating na dry season ng pagtatanim ng palay, isinagawa ng Office of the Municipal Agriculturist ang Training on Climate Smart Agriculture in Rice noong ika-22 ng Nobyembre 2023. Ito ay dinaluhan ng animnapung (60) participants mula sa mga barangay na nagtatanim ng palay at sinuportahan nina Kgg. Francis Endozo, Kgg. Norvic Garcia at G. Byen Mayuga, Municipal Administrator. 

Ang pagsasanay ay naglalayong mabigyan sila ng kaalaman at kasanayan upang mapagaan ang mga hamon sa krisis sa klima. Ang naging resource speaker sa nasabing pagsasanay ay si G. Rafael Romulus Catada (Agriculturist II) mula sa OPA-Batangas. 

Naniniwala si Mayor Lyndon Bruce gayundin ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Aries Parrilla na ang pagpapalakas sa mga rice farmers ng bayan ng Laurel ay mahalaga upang matugunan ang food security ng ating bayan.

Post a Comment

0 Comments