DISTRIBUSYON NG DWARF COCONUTS, UMARANGKADA!
Isinagawa noong nakaraang linggo ang pamamahagi ng mga dwarf coconuts para sa mga ilang magsasaka ng bayan ng Laurel. Ito ay sa ilalim ng Sustainable Planting and Replanting of Local Cultivar Project (SPRLCP) 2023 ng Philippine Coconut Authority (PCA). Sa tulong nina G. Gilbert Escanilla at Gng. Sheena E. Yaya ng PCA – Cavite-Batangas, naipaliwanag ang tamang pag-aalaga at pagpaparami ng mga niyog na ipinamahagi. Kanila ring binigyang diin ang kahalagahan ng pagpaparami nito upang mapanatili ang mga lokal na variety ng niyog sa Pilipinas. Bago ipamahagi ang mga binhi ay nagkaroon din ng validation sa mga lugar na pagtataniman.
Ang programang ito na pinangasiwaan ng Municipal Agriculturist Office sa pangunguna ni Ms. Anne Mirjam Atienza ay lubos na sinusuportahan nina Mayor Lyndon Bruce at ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Aries Parrilla, upang mabigyang pansin ang isa pang pinagkukuhanan ng pangkabuhayan ng mga mamamayan ng bayan ng Laurel, ang pagniniyog.
Naniniwala tayong sa pamamagitan ng mga ganitong programa, ang seguridad sa pagkain, at pagbabawas ng pagdepende sa mga komersyal na binhi ay mapapanatili para sa mas sustenableng agrikultura.



0 Comments