MGA KABABAIHAN, BENEPISYARYO NG FINGERLINGS DISPERSAL PROGRAM






 MGA KABABAIHAN, BENEPISYARYO NG FINGERLINGS DISPERSAL PROGRAM

Patuloy ang pagkilala ng administrasyon ni Mayor Lyndon M. Bruce katuwang ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Aries Parrilla at ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultur, sa pangunguna ni Ms. Anne Mirjam Atienza, ang kahalagahan ng pagtugon sa mga hamon sa sektor ng pangisdaan tulad ng pagkakaroon ng mga de-kalidad na fingerlings at pakikilahok sa mga proyekto at benepisyo batay sa kasarian. Kung kaya’t binibigyan ng oportunidad ang lahat ng miyembro ng komunidad, lalo na ang mga kababaihan na makiisa sa programang ito.
Sa ilalim ng Fingerlings Dispersal Program, napagkalooban ng mga fingerlings ang dalawampung (20) kababaihang mangingisda na siyang mamamahala at mag-aalaga sa mga ito. Nilalayon ng programang ito na mas mapaunlad pa ang kanilang kabuhayan at maisalin ito sa mga susunod na benepisyaryo.
Dalangin namin na simula na ito ng mas lumalagong kabuhayan para sa inyo. Pagpalain nawa ng Panginoon ang bago ninyong negosyo.

Post a Comment

0 Comments