pagpupulong sa Conference Hall ng 21 presidente ng Senior Citizens sa pangunguna ni Ma'am Auring Masicat.

 





Ngayong araw na ito ng Miyerkules, nagsagawa ng pagpupulong sa Conference Hall sina Mayor Lyndon M Bruce, Konsehal Sylvia Austria, at Konsehal Gina Landicho kasama ang 21 presidente ng Senior Citizens sa pangunguna ni Ma'am Auring Masicat. Tinalakay sa pagpupulong na ito ang mas maganda pang sistema ng pamimigay ng birthday gift at social pension, mas maayos na validation ng mga Senior Citizens nang sa ganoon ay walang makakaligtaan na beneficiaries, gayundin ang isasagawa nilang pamimigay ng ayuda sa mga kapwa senior citizens.

Siniguro ni Mayor Lyndon M Bruce na ang kanyang administrasyon ay laging bukas ang pintuan sa mga senior citizens. Saksi sa pagpupulong na ito si Ms. Barbara Macaraig, MSWDO head, at si Ms. Julie Dalam, Senior Citizens Focal person.

Post a Comment

0 Comments