Ang mga radyo na ito ay magpapadali sa ating ugnayan lalo na sa panahon ng emergency o kalamidad kaya inaasahan namin ang inyong pag-iingat sa mga ito."





 "Ang mga radyo na ito ay magpapadali sa ating ugnayan lalo na sa panahon ng emergency o kalamidad kaya inaasahan namin ang inyong pag-iingat sa mga ito."

Iyan ang bahagi ng mensaheng inihatid ni Mayor Lyndon M Bruce sa isinagawang pamimigay ng two-way handheld radio sa 21 barangay sa ating bayan na tinanggap ng mga barangay captains at representative ng mga ito. 

Sa pamamagitan nito, mas madaling matatawagan ang ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng bawat barangay sa panahon ng mga biglaang pangangailangan at paglalapat ng paunang lunas.

Kinikilala rin ng administrasyong ito ang suporta ng ating MDRRMO Head, Ms. Venus de Villa, gayundin ni ABC Brandon Bruce sa programa ng lokal na pamahalaan na maging alerto at handa para sa kaligtasan ng ating mga kababayan.

Post a Comment

0 Comments