BUYAHIN ANG BAYANIHAN SA BAYAN NG LAUREL!






 BUYAHIN ANG BAYANIHAN SA BAYAN NG LAUREL!

Sa kagandahang loob po ng ating BFP Laurel ay napagbigyan ang kahilangan ng ating Kaliham Bryanne Tenorio na madiligan ang kanyang mga itinanim na halaman isang beses isang linggo sa suporta na din ng ating mabait na Mayor Lyndon Bruce. Nakakatuwa po na nangingibabaw ang malasakit natin sa mga ganitong gawain. 

Kaya pakiusap po sa mga napapagawi sa lugar na ito wag po nating tampalasin ang mga halaman at panatilihin natin ang kalinisan nito, magkaron po sana tayo kahit kaunting hiya sa kagaya ni Bryanne na boluntaryong nagpapaganda at naglilinis nito. At hindi lang po sana sa lugar na ito tayo .magkaron ng malasakit, ang buong kabayanan po sana ay atin ding mapangalagaan.

Pag malinis po ang ating kapaligiran tyak na babalikbalikan ng mga dayuhan. 

#bayanihansabayannglaurel

#LoveThePhilippines

#LoveLaurel

Post a Comment

0 Comments