Marso 26, 2024, ay matagumpay na umalis papuntang Inje, South Korea si Ginoong Francisco Manalo ng Brgy. San Gabriel.





 Kahapon, Marso 26, 2024, ay matagumpay na umalis papuntang Inje, South Korea si Ginoong Francisco Manalo ng Brgy. San Gabriel. Si Sir Francis ay kabilang sa dalawampu't dalawang (22) seasonal workers buhat sa ibang bayan sa Batangas na tumulak sa Korea sa pamamagitan ng Batangas Office of the Provincial Agriculturist .

Nagpapasalamat ang administrasyong ito sa ating Municipal Agriculturist Office sa pangunguna ni Ms. Anne Mirjam Atienza sa pag aasikaso at koordinasyon sa ating Provincial Agriculturist na si Dr. Rodrigo M. Bautista at sa Seasonal Worker Program Focal Person sa lalawigan ng Batangas na si Ms. Laura Bihis. Nawa ay mas marami pang mga Laureleño ang maendorso sa ganitong programa.

Post a Comment

0 Comments