Naglagay na ng mga tarpaulin na nagbibigay babala sa lahat kaugnay ng mga lugar kung saan bawal maligo.

 





Upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ngayong panahon ng Mahal na Araw, naglagay na ng mga tarpaulin na nagbibigay babala sa lahat kaugnay ng mga lugar kung saan bawal maligo. Sa Brgy. Gulod ay pagkalampas ng mga kubo sa Mahabang Buhangin gayundin sa Palantang na nasa Brgy. Bugaan East. Mayroon ring inilagay sa T.I.

Nagpapasalamat ang administrasyon ni Mayor Lyndon Masicat Bruce, at ang Sangguninang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Aries Parrilla sa ating MDRRMO, Philippine Coast Guard, at sa mga opisyal ng barangay na naging katuwang nila sa paglalagay ng mga signages na bigay naman ng PAMB.
Muli, hangad namin ang isang ligtas na paggunita sa Mahal na Araw.

Post a Comment

0 Comments