Abril 7, 2024, Lokal na Pamahalaan ang kauna unahang paglalayag ng mga myembro ng Taal Lake Yacht Club







Ngayong araw na ito, Abril 7, 2024, Isa na namang makabuluhan at makasaysayang araw para sa Lokal na Pamahalaan ang kauna unahang paglalayag ng mga myembro ng Taal Lake Yacht Club sa nasasakupan ng bayan ng Laurel.
Masayang sinalubong ni Mayor at ng Sangguniang Bayan Members, Sangguniang Baranggay, Tourism staff at Coast Guard ang mga bisitang nagmula pa sa ibang bayan. Isa sa mga puno ng kagawaran ng lokal na Pamahalaan ang sumama sa paglalayag, karangalan din na nagustuhan ng ibang lahi ang ganda ng Bayan ng Laurel. Ito ay magbubukas din ng posibilidad na magkaroon ng ibat ibang water sports activities sa ating lawa na magbibigay daan upang lalong umusbong ang turismo ng Bayan ng Laurel.

Post a Comment

0 Comments