CONGRATULATIONS Municipality of Laurel Batangas!






 CONGRATULATIONS Municipality of Laurel Batangas!

Kapansin-pansin na sa panahon ng Panunungkulan ni Mayor Lyndon M. Bruce ay naging madalas ang pagkakamit ng karangalan ng bayan ng Laurel.
At sa pagkakataong ito ay kabilang ang bayan ng Laurel sa nakatanggap ng parangal na Seal of Child- Friendly Local Governance. Sa 31 Munisipalidad at 3 Lungsod sa Lalawigan ng Batangas, kabilang ang Laurel sa natatanging labing-isang (11) bayan sa buong Batangas na nakatanggap ng naturang parangal na ginanap ngayong araw na ito, Abril 4, 2024, sa Carmona Cavite.
Isang pagsaludo rin ang ipinapaabot ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Aries Parrilla sa ating MSWDO sa pangunguna ni Mrs. Barbara Macaraig, katuwang ang DepEd Laurel sa pangunguna naman ng District Supervisor na si Dr. Elsie Navarro. Kinikilala rin ng administrasyong ito ang paggabay ng ating MLGOO na si Mrs. Rhodora Ona.
Para sa Kabataang Laureleño!

Post a Comment

0 Comments