Ipinagkaloob sa Babae Lakas ng Mangingisda Association ang dalawang (2) unit ng Chest Freezer buhat sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.






 Salamat, BFAR!

Kahapon, Lunes, Mayo 6, 2024, ipinagkaloob sa Babae Lakas ng Mangingisda Association ang dalawang (2) unit ng Chest Freezer buhat sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Malaking tulong ito sa ating mga babaeng mangingisda lalo na sa pagpapatuloy ng kanilang livelihood program at iyon nga ay ang pagbebenta ng mga produktong gawa sa tilapya, o tilapia mismo na ginawang daing.
Naroon sina Mayor Lyndon M Bruce, Vice Mayor Aries Parrilla, Konsehal Sylvia Austria, Konsehal Gina Landicho at Konsehal Norvic Garcia na nakikigalak sa mga kababaihan sa biyayang kanilang natanggap sa koordinasyon na rin ng Fishport Staff na pinangungunahan ni Maam Agnes Artista.

Post a Comment

0 Comments