May 7, 2024, nilagdaan na ang donasyong bahagi ng lupa na magbibigay-daan upang magkaroon ng kalsada/daraanan/ lusutan mula Sitio Anayo patungong Tagaytay, Aguinaldo Highway.

 





Ngayong araw na ito ng Martes, May 7, 2024, nilagdaan na ang donasyong bahagi ng lupa na magbibigay-daan upang magkaroon ng kalsada/daraanan/ lusutan mula Sitio Anayo patungong Tagaytay, Aguinaldo Highway. Sa sandaling mabutasan ang naturang daan, mas madali na ang pagpunta nating mga taga Laurel partikular na ang mga taga Brgy. paliparan patungong Tagaytay.

Saksi sa paglagdang ito sina Municipal Assessor Aris de Sagun, Brgy. Captain ng Brgy. Paliparan Boyet de Sagun, at Municipal Administrator Byen Mayuga. Lubos ang pasasalamat ni Mayor Lyndon M. Bruce sa donor ng naturang lupa sapagkat isang hakbang na naman ito sa kaunlaran ng bawat Laureleño!

Post a Comment

0 Comments