Salamat sa Diyos sa Biyayang Kaloob!
12,000 na Pamaskong Handog ang inihatid sa bawat tahanan ng bawat isang Laureleño. Nagtala na naman tayo ng panibagong kasaysayan dahil FIRST TIME itong nangyari sa bayan ng Laurel.
Bunga ito ng maayos na pagpaplano kung paano gugugulin ang pondo ng bayan. Hindi ito galing sa relief tulad ng sinasabi ng ilan. Kung mapapansin rin, ganito rin ang naipapamahagi ng malalaking syudad sa bansa tuwing araw ng kapaskuhan.
Marami pa tayong nakahandang mga bagong programa na magdudulot ng kasiyahan sa bawat isa. Kaya naman sa pamunuang ito ni Mayor Lyndon Masicat Bruce, ikaw ang laging siguradong panalo.
0 Comments