DAGDAG MAGANDANG SERBISYO SA PUBLIKO: BAGONG POLICE PATROL VEHICLE NG LAUREL PNP

 



DAGDAG MAGANDANG SERBISYO SA PUBLIKO: BAGONG POLICE PATROL VEHICLE NG LAUREL PNP sa pamamagitan at pursigidong pagpupunyagi na mabigyan ng mobil patrol ang kapulisan ng Laurel PNP ng ating Hon. Mayor Lyndon M Bruce.

Kanina ay isinagawa sa Batangas Provincial Auditorium aa ating Kapitolyo ang Official Hand-Over ng mga bagong Police Patrol Vehicle na pinangunahan ng ating butihing Gobernador Hermilando “Dodo” Mandanas kasama ang mga mahuhusay na Punong Bayan ng ating lalawigan.
Masaya ang ating Punong Bayan at ang Kapulisan sapagkat mas madaragdagan ang mga sasakyang mag-iikot upang masigurado ang kaligtasan ng ating mga kababayan, lalo’t higit ay maipagpapatuloy natin ang Mas Magandang Serbisyo Publiko para sa mamamayan ng laurel.
“Palagi nating uunahin ang kapakanan ng ating mga kababayan. Isinasapuso natin ang isang paglilingkod na tapat sa Diyos at sa Bayan, Ang sasakyang ito ay gagamitin ng kapulisan para sa mas ligtas, mas maayos at mas maunlad na bayan ng laurel. Patuloy nating gagawin ang lahat upang madala sa ating bayan ang mga tulong na kagaya nito dahil pinangako natin sa ating mga kababayan ang isang lideratong maraming nagagawa at kumikilos ng maayos, tapat at tama.” -Mayor Lyndon M Bruce.

Post a Comment

0 Comments