P.W.D. - "Paskong Walang Diskriminasyon"
Sa pangunguna ni Sir Emil Hernandez, Municipal PWD FOCAL.PERSON, ay nakapamahagi ng grocery items para sa 245 na Person with Disability sa bayan ng Laurel ngayong araw na ito, December 20, 2024. Bahagi ito ng programa ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna nina Mayor Lyndon Masicat Bruce , Vice Mayor Aries Parrilla at ng Sangguniang Bayan na mapagkalooban sila ng mumunting regalo ngayong kapaskuhan. Layunin nitong maghatid ng kagalakan at suporta sa mga taong may kapansanan sa diwa ng pagkakapantay-pantay at pagmamahalan.
0 Comments