Ang buong Bayan ng Laurel sa pangunguna ni Mayor Lyndon Masicat Bruce ay taos-pusong nagpapasalamat sa Pangasinan PDRRMO sa pamamagitan ni Ma'am Avenix S. Arenas, Asst. PDRRMO ng Pangasinan, sa pagkakaloob ng ₱500,000.00 na donasyon upang matulungan ang ating bayan sa pagbangon mula sa pinsalang idinulot ng Bagyong Kristine. Ang inyong malasakit ay isang malaking inspirasyon para sa amin upang patuloy na bumangon at magkaisa.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Sto. Tomas, Batangas, sa pangunguna ni Mayor Art Jhun Marasigan, para sa kanilang donasyong ₱200,000.00. Ang inyong tulong ay isang patunay ng pagkakaisa at pagkakapit-bisig ng mga bayan para sa kapakanan ng bawat Batanguen̈o.
Ang inyong suporta ay magsisilbing lakas at pag-asa para sa bawat Laurelen̈o. Sama-sama nating haharapin ang mga hamon at patuloy na magtutulungan tungo sa mas maayos na kinabukasan.
Maraming salamat po!


0 Comments