CHED Director ng Region 4A, Dr. Rogelio Galera Jr., sa ginanap na courtesy call ngayong araw ng Huwebes, January 23, 2025.



 Isang makabuluhang pagpupulong ang naganap sa pagitan ng ating Punong Bayan, Mayor Lyndon Masicat Bruce kasama si Admin Byen Mayuga, at ng bagong CHED Director ng Region 4A, Dr. Rogelio Galera Jr., sa ginanap na courtesy call ngayong araw ng Huwebes, January 23, 2025.

Sa naturang pagkikita, tinalakay ang mga future plans para sa ating Colegio de Laurel, kabilang ang pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon, paglikha ng mas maraming oportunidad para sa mga mag-aaral, at ang patuloy na pagpapalakas ng ating lokal na institusyon bilang sentro ng kaalaman at pag-unlad.
Naniniwala tayo na ang mga hakbang na ito ay isang mahalagang bahagi ng ating adhikain na magbigay ng dekalidad na edukasyon para sa kabataan ng Laurel.Patuloy po nating suportahan ang mga programang magdadala ng mas maliwanag na kinabukasan sa ating bayan!

Post a Comment

0 Comments