BLM CUP 2025

 


🏆 BLM CUP 2025
Isang masayang araw ng pagpapamalas ng kakayahan at pagkakaisa ang naghihintay sa BLM Cup 2025! Samahan ninyo kami sa Enero 25, 2025 (Sabado) simula alas-6 ng umaga para sa isang makulay at makabuluhang selebrasyon ng isports at bayanihan na gaganapin sa ating bagong-bago, Air-conditioned, malinis, at mas pinagandang MUNICIPAL GYMNASIUM.
Inaanyayahan ang lahat na suportahan ang mga manlalaro ng inyong barangay. Inaasahan namin na inyong bibitbitin ang inyong enerhiya, sigasig, at pagmamalasakit upang gawing matagumpay ang araw na ito!
Kitakits sa BLM Cup 2025 at sama-sama nating ipakita ang ating lakas, galing, at pagkakaisa!

Post a Comment

0 Comments