𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Nagsimula ang unang araw sa isang makulay na 𝐎𝐩𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐭𝐨𝐫𝐜𝐚𝐝𝐞, sinundan ng 𝐓𝐡𝐚𝐧𝐤𝐬𝐠𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐬𝐬, at ang 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐊𝐋: Serbisyong Kabataang Laureleño na naglalayong magbigay inspirasyon at serbisyo para sa ating kabataan.
Tampok din sa programa ang pagbabahagi ng mensahe mula sa ating Guest Speaker, Municipal Administrator Dr. Bienvinido S. Mayuga, na nagbigay inspirasyon at paalala ukol sa mahalagang papel ng kabataan sa paghubog ng kinabukasan ng bayan.
Kasama ko sa pagdiriwang si 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐁𝐫𝐚𝐧𝐝𝐨𝐧 𝐌. 𝐁𝐫𝐮𝐜𝐞 at ang buong Sangguniang Bayan:
Hon. Sylvia Austria, Hon. Lito Rodriguez, Hon. Kiko Endozo, Hon. Liezl De Castro, Hon. Norvic Garcia, Hon. Irish Agojo, Hon. Gina Landicho, at Hon. Mulo Macaraig, 𝐀𝐁𝐂 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐍𝐞𝐥𝐥𝐢𝐞 𝐆𝐞𝐦 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐮𝐛𝐚𝐭, at ang ating mga 𝐋𝐢𝐭𝐭𝐥𝐞 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐭𝐢𝐜𝐢𝐚𝐧𝐬.
Naniniwala ako na ang kabataan ay mahalagang katuwang sa pagtataguyod ng isang mas maunlad, mas makakalikasan, at mas masayang Laurel. Patuloy nating bibigyan ng puwang at suporta ang kanilang boses at kakayahan tungo sa isang Bagong Laurel na Maunlad. 



0 Comments