𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒: 𝐉𝐎𝐁 𝐅𝐀𝐈𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟓 | 𝐇𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐍𝐀 𝐎𝐏𝐎𝐑𝐓𝐔𝐍𝐈𝐃𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐀𝐔𝐑𝐄𝐋𝐄Ñ𝐎





 𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒: 𝐉𝐎𝐁 𝐅𝐀𝐈𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟓 | 𝐇𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐍𝐀 𝐎𝐏𝐎𝐑𝐓𝐔𝐍𝐈𝐃𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐀𝐔𝐑𝐄𝐋𝐄Ñ𝐎

💼✨
𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Sa pangunguna nina 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐇𝐨𝐧. 𝐋𝐲𝐧𝐝𝐨𝐧 𝐌. 𝐁𝐫𝐮𝐜𝐞 at 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐇𝐨𝐧. 𝐁𝐫𝐚𝐧𝐝𝐨𝐧 𝐌. 𝐁𝐫𝐮𝐜𝐞, kasama ang 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐌𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫𝐬 at katuwang ang𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐄𝐦𝐩𝐥𝐨𝐲𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐄𝐒𝐎) – Laurel, Batangas, matagumpay na isinasagawa ngayong araw sa Laurel Gymnasium ang𝐉𝐨𝐛 𝐅𝐚𝐢𝐫 𝟐𝟎𝟐𝟓 bilang bahagi ng 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟓 sa pangunguna ni 𝐒𝐊 𝐅𝐞𝐝 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐆𝐨𝐝𝐰𝐢𝐧 𝐋𝐚𝐦𝐚𝐧𝐨 na nagsusulong sa mas maraming oportunidad at mas magandang kinabukasan para sa kabataan at mamamayan ng Laurel.
Layunin ng aktibidad na magbigay ng mas malawak na oportunidad sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng direktang pag-uugnay sa kanila sa iba’t ibang kumpanyang kalahok gaya ng:
𝐂𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐲 𝐏𝐚𝐜𝐢𝐟𝐢𝐜 𝐅𝐨𝐨𝐝, 𝐈𝐧𝐜.
𝐕.𝐒. 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐬𝐭𝐫𝐲
𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬 𝐊𝐲𝐨𝐡𝐫𝐢𝐭𝐬𝐮 𝐈𝐧𝐜.
𝐎𝐧𝐞 𝐒𝐨𝐮𝐫𝐜𝐞 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐒𝐨𝐥𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐈𝐧𝐜.
𝐄𝐩𝐬𝐨𝐧
𝐇𝐮𝐦𝐚𝐧𝐚
𝐀𝐮𝐭𝐨𝐦𝐚𝐭𝐞𝐜𝐡𝐬
𝐒𝐭𝐞𝐩 𝐔𝐩 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐧𝐩𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬
𝐏𝐀𝐌𝐂
Multiple Employers
Local & Overseas Vacancies
Various Positions – mula sa drivers, receptionists, household services, nurses, hanggang sa technical roles!
Ang ganitong programa ay patunay ng malasakit ng ating lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng kabuhayan at pagtulong sa mga Laureléño na makahanap ng angkop na trabaho para sa kanilang pamilya.
Patuloy tayong magsusulong ng mga proyektong mag-aangat sa kalidad ng pamumuhay at magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa lahat.
"Ang pagbibigay ng oportunidad ay hindi lamang pagbubukas ng pinto, kundi pagbibigay daan sa mas magandang bukas para sa bawat Laureléño."
𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐮𝐫𝐞𝐥!

Post a Comment

0 Comments