📸 𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒 | 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐒𝐈𝐂 𝐋𝐄𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐓𝐄𝐑𝐈𝐀𝐋𝐒 𝐒𝐀 𝐓𝐈𝐂𝐔𝐁 𝐄𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐑𝐘 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋
𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Isinagawa ngayong araw ang pamamahagi ng 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐋𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐭𝐞𝐫𝐢𝐚𝐥𝐬 (𝐁𝐋𝐌) sa mga mag-aaral ng 𝐓𝐢𝐜𝐮𝐛 𝐄𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 mula Kinder hanggang Grade 6, bilang suporta ng Lokal na Pamahalaan sa kanilang pag-aaral.
Bawat estudyante ay tumanggap ng bag, tote bag, na naglalaman ng notebook, papel at lapis, na magsisilbing kaagapay sa kanilang mga pangarap at tagumpay sa hinaharap.
Kasama natin sa Distribution na ito ang ating mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan:
𝐇𝐨𝐧. 𝐈𝐫𝐢𝐬 𝐉𝐨𝐲𝐜𝐞 𝐀𝐠𝐨𝐣𝐨, 𝐇𝐨𝐧. 𝐍𝐨𝐫𝐯𝐢𝐜 𝐆𝐚𝐫𝐜𝐢𝐚, 𝐚𝐭 𝐇𝐨𝐧. 𝐌𝐮𝐥𝐨 𝐌𝐚𝐜𝐚𝐫𝐚𝐢𝐠, na buong pusong nakiisa sa adbokasiya para sa mas maayos na edukasyon sa ating bayan.
Higit pa sa simpleng pamamahagi ng gamit, ito ay patunay ng malasakit at programa ng ating pamahalaan na suportahan ang kabataan bilang haligi ng kinabukasan ng Laurel.
Patuloy tayong magsusulong ng mga proyektong nakatuon sa edukasyon, kaunlaran, at kinabukasan ng bawat Laureleño.
#TayoAngBagongLaurel
#BagongLaurelMaunlad
0 Comments