📸 𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒 | 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐒𝐈𝐂 𝐋𝐄𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐓𝐄𝐑𝐈𝐀𝐋𝐒 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐍 𝐆𝐑𝐄𝐆𝐎𝐑𝐈𝐎 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐆𝐑𝐀𝐓𝐄𝐃 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋
𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Mainit tayong sinalubong ng mga masisiglang mag-aaral ng 𝐒𝐚𝐧 𝐆𝐫𝐞𝐠𝐨𝐫𝐢𝐨 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 sa isinagawang pamamahagi ng 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐋𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐭𝐞𝐫𝐢𝐚𝐥𝐬 (𝐁𝐋𝐌) mula Kinder hanggang High School.
Ang bawat estudyante ay tumanggap ng bag/tote bag na naglalaman ng mga notebook, lapis/ballpen, at iba pang kagamitang makatutulong sa kanilang pag-aaral, mga simpleng gamit na magsisilbing puhunan sa kanilang tagumpay at pangarap.
Kasama natin sa aktibidad na ito ang ating masisipag na miyembro ng Sangguniang Bayan:
Hon. Irish Joyce Agojo, Hon. Norvic Garcia, Hon. Mulo Macaraig, at Hon. Kiko Endozo, na buong suporta sa adhikain ng pamahalaan para sa mas maayos na edukasyon ng bawat kabataang Laureleño.
Higit pa sa mga gamit, ang proyektong ito ay simbolo ng ating malasakit at dedikasyon na bigyang daan ang isang Bagong Laurel na Maunlad, kung saan ang kabataan ay may tamang kagamitan at pagkakataon tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
#TayoAngBagongLaurel
#BagongLaurelMaunlad
0 Comments