⚠️BABALA SA MGA MOTORISTANG MAY MODIFIED MUFFLERS⚠️



Alinsunod sa umiiral na Municipal Ordinance No. 04 Series of 2017 also known as "ANTI-MUFFLER MODIFICATION ORDINANCE OF 2017" ng Bayan ng Laurel, ang paggamit ng MODIFIED MUFFLERS o anumang uri ng tambutso na nagdudulot ng labis na ingay ay MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL.
Ang inyo pong mga Kapulisan ng Laurel Municipal Police Station ay may tungkulin at kapangyarihan na ipatupad ang nasabing ordinansa bilang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko. Dahil dito, ang mga operasyong paghuli sa mga motorsiklong may modified mufflers ay isinasagawa nang lehitimo at alinsunod sa batas.
📢 MAHIGPIT NA PAALALA:
🚫 Itigil ang paggamit ng maingay at modified mufflers;
🚫 Huwag balewalain ang ordinansa ng bayan;
🚫 Ang paulit-ulit na paglabag ay haharap sa mas mabigat na parusa.
‼️ Ang sinumang mahuhuling lumalabag sa ordinansang ito ay:
▪️ Papatawan ng kaukulang multa;
▪️ Iba pang parusang itinakda ng orinansa; at
▪️ Nang walang paglabag sa karapatan ngunit may buong pagsunod sa due process of law.
📌 Ang pagpapatupad ng batas ay para sa kapayapaan ng komunidad, hindi para sa kapritso ng sinuman.
‼️ Ito ay para sa kaalaman at mahigpit na pagsunod ng lahat.
SUMUNOD SA BATAS. IRESPETO ANG KOMUNIDAD. IWASAN ANG PARUSA.

Post a Comment

0 Comments