𝐉𝐚𝐧𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐋𝐚𝐮𝐫𝐞𝐥 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬
Matagumpay nating naisagawa ang unang 𝐅𝐥𝐚𝐠 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 ngayong taon, na nagsilbing makabuluhang panimula ng panibagong yugto ng paglilingkod ng Pamahalaang Bayan. Sa simpleng ngunit makahulugang seremonyang ito, ating pinagtibay ang ating panata ng pagkakaisa, disiplina, pananagutan, at serbisyong may puso at malasakit para sa bawat mamamayan.
Masaya at buong siglang dumalo sa gawain sina 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐁𝐫𝐚𝐧𝐝𝐨𝐧 𝐌. 𝐁𝐫𝐮𝐜𝐞, 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐀𝐝𝐦𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐨𝐫 𝐃𝐫. 𝐁𝐢𝐞𝐧𝐯𝐢𝐧𝐢𝐝𝐨 𝐒. 𝐌𝐚𝐲𝐮𝐠𝐚, at ang mga kagalang-galang na kasapi ng 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧: 𝐇𝐨𝐧. 𝐒𝐲𝐥𝐯𝐢𝐚 𝐀𝐮𝐬𝐭𝐫𝐢𝐚, 𝐇𝐨𝐧. 𝐋𝐢𝐭𝐨 𝐑𝐨𝐝𝐫𝐢𝐠𝐮𝐞𝐳, 𝐇𝐨𝐧. 𝐍𝐨𝐫𝐯𝐢𝐜 𝐆𝐚𝐫𝐜𝐢𝐚, 𝐇𝐨𝐧. 𝐊𝐢𝐤𝐨 𝐄𝐧𝐝𝐨𝐳𝐨, 𝐇𝐨𝐧. 𝐆𝐢𝐧𝐚 𝐋𝐚𝐧𝐝𝐢𝐜𝐡𝐨, 𝐇𝐨𝐧. 𝐈𝐫𝐢𝐬 𝐀𝐠𝐨𝐣𝐨, 𝐚𝐭 𝐇𝐨𝐧. 𝐌𝐮𝐥𝐨 𝐌𝐚𝐜𝐚𝐫𝐚𝐢𝐠. Nakiisa rin ang mga puno ng kahawaran at kawani mula sa iba’t ibang departamento, patunay ng matibay na samahan at iisang layunin sa loob ng lokal na pamahalaan.
Ang Flag Ceremony ay pinangunahan ng Accounting Office, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng kaayusan, pananagutan, at maayos na pamamahala bilang pundasyon ng tapat na serbisyo publiko. Sa okasyong ito, ating kinilala at mainit na tinanggap ang ating bagong𝐃𝐈𝐋𝐆, 𝐬𝐢 𝐌𝐬. 𝐋𝐢𝐞𝐚𝐧𝐧 𝐋𝐚𝐫𝐚-𝐀𝐥𝐛𝐢𝐧𝐨, bilang katuwang ng pamahalaang bayan sa patuloy na pagsusulong ng mabuting pamamahala.
Sa pagsalubong sa panibagong taon ng paglilingkod, baon natin ang pag-asa, determinasyon, at sama-samang lakas upang patuloy na maghatid ng mga programang tunay na may malasakit at tumutugon sa pangangailangan ng ating bayan. Sama-sama, tuloy-tuloy ang serbisyo para sa ikabubuti ng bawat Laureleño. 🇵🇭✨
"𝐌𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲, 𝐤𝐮𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐧𝐠𝐢𝐭𝐢, 𝐬𝐚𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐩𝐮𝐬𝐨 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐬 𝐫𝐚𝐦𝐝𝐚𝐦 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐢𝐭𝐨’𝐲 𝐢𝐧𝐢𝐡𝐚𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐠𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐧."
#TayoAngBagongLaurel
#BagongLaurelMaunlad
#SerbisyongMayPusoatMalasakit
0 Comments