📸 𝐁𝐋𝐌 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄𝐒: 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐃𝐔𝐍𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐔𝐑𝐄𝐋𝐄𝐍𝐎 🎓✨
𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝟐𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐆𝐲𝐦𝐧𝐚𝐬𝐢𝐮𝐦
Isinagawa ang 𝐓𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐝𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 para sa mga kabataang Laureleño bilang bahagi ng programang pang-edukasyon ng pamahalaang lokal, alinsunod sa 𝐎𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐧𝐬𝐚 𝐁𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝟎𝟖-𝟐𝟎𝟐𝟏, 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐨𝐟 𝟐𝟎𝟐𝟏, na naglalayong magbigay ng pinansyal na suporta at makahikayat sa mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Inumpisahan ng lokal na pamahalaan ang aktibidad sa pangunguna nina 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐋𝐲𝐧𝐝𝐨𝐧 𝐌. 𝐁𝐫𝐮𝐜𝐞 𝐚𝐭 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐁𝐫𝐚𝐧𝐝𝐨𝐧 𝐌. 𝐁𝐫𝐮𝐜𝐞, kasama ang mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan na sina 𝐇𝐨𝐧. 𝐒𝐲𝐥𝐯𝐢𝐚 𝐀𝐮𝐬𝐭𝐫𝐢𝐚, 𝐇𝐨𝐧. 𝐈𝐫𝐢𝐬 𝐀𝐠𝐨𝐣𝐨-𝐉𝐢𝐦𝐞𝐧𝐞𝐳, 𝐇𝐨𝐧. 𝐌𝐮𝐥𝐨 𝐌𝐚𝐜𝐚𝐫𝐚𝐢𝐠, 𝐇𝐨𝐧. 𝐋𝐢𝐭𝐨 𝐑𝐨𝐝𝐫𝐢𝐠𝐮𝐞𝐳, 𝐇𝐨𝐧. 𝐍𝐨𝐫𝐯𝐢𝐜 𝐆𝐚𝐫𝐜𝐢𝐚, at 𝐇𝐨𝐧. 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬𝐜𝐨 𝐄𝐧𝐝𝐨𝐳𝐨, kung saan nagpaabot sila ng mensahe ng inspirasyon at paghikayat sa mga kabataan na pagbutihin ang kanilang pag-aaral at maging katuwang sa pag-unlad ng komunidad.
𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚: Ang pagpili at kwalipikasyon ng mga benepisyaryo ay itinakda sa kani-kanilang mga paaralan, alinsunod sa itinakdang pamantayan ng nasabing ordinansa, upang matiyak ang patas at maayos na pagpapatupad ng programa.
Sa pamamagitan ng 𝐓𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐝𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, patuloy na pinagtitibay na ang kabataan ang susi sa mas maliwanag at mas maunlad na kinabukasan ng Bayan ng Laurel. 💚
#BLMUpdates #TulongSaMadunong #KabataangLaureleno #SerbisyongMayPusoatMalasakit
0 Comments