𝐁𝐋𝐌 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄𝐒: 𝐅𝐔𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐁𝐒𝐈𝐃𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐑𝐈𝐂𝐘𝐂𝐋𝐄 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄𝐑𝐒 🚖⛽✨

 


📸 𝐁𝐋𝐌 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄𝐒: 𝐅𝐔𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐁𝐒𝐈𝐃𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐑𝐈𝐂𝐘𝐂𝐋𝐄 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄𝐑𝐒 🚖⛽✨
𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝟐𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐮𝐫𝐞𝐥

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga programa para sa kapakanan ng ating mga kababayan, at sa kabila ng nagpapatuloy na suliranin sa presyo ng gasolina, minarapat ng Pamahalaang Bayan ng Laurel na magbigay ng 𝐟𝐮𝐞𝐥 𝐬𝐮𝐛𝐬𝐢𝐝𝐲 para sa ating mga tricycle drivers. 

Ang nasabing Programa ay pinangunahan ni 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐋𝐲𝐧𝐝𝐨𝐧 𝐌. 𝐁𝐫𝐮𝐜𝐞 𝐚𝐭 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐁𝐫𝐚𝐧𝐝𝐨𝐧 𝐌. 𝐁𝐫𝐮𝐜𝐞, kasama ang mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan na sina 𝐇𝐨𝐧. 𝐒𝐲𝐥𝐯𝐢𝐚 𝐀𝐮𝐬𝐭𝐫𝐢𝐚, 𝐇𝐨𝐧. 𝐈𝐫𝐢𝐬 𝐀𝐠𝐨𝐣𝐨-𝐉𝐢𝐦𝐞𝐧𝐞𝐳, 𝐇𝐨𝐧. 𝐌𝐮𝐥𝐨 𝐌𝐚𝐜𝐚𝐫𝐚𝐢𝐠, 𝐇𝐨𝐧. 𝐋𝐢𝐭𝐨 𝐑𝐨𝐝𝐫𝐢𝐠𝐮𝐞𝐳, 𝐇𝐨𝐧. 𝐆𝐢𝐧𝐚 𝐋𝐚𝐧𝐝𝐢𝐜𝐡𝐨, 𝐇𝐨𝐧. 𝐋𝐢𝐞𝐳𝐥 𝐃𝐞 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐫𝐨, 𝐚𝐭 𝐇𝐨𝐧. 𝐍𝐨𝐫𝐯𝐢𝐜 𝐆𝐚𝐫𝐜𝐢𝐚, na naglalayong maibsan ang epekto ng pagtaas ng gasolina at patuloy na suportahan ang kabuhayan ng ating mga tsuper na mahalaga sa araw-araw na serbisyo sa komunidad.

Layunin ng programang ito na maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at masuportahan ang kabuhayan ng ating mga tsuper na araw-araw ay nagsisilbi at mahalagang bahagi ng transportasyon sa ating komunidad.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, patuloy na pinagtitibay ang adbokasiya ng pamahalaang bayan para sa 𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐩𝐮𝐬𝐨 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 para sa bawat Laureleño. 💚

#BLMUpdates #FuelSubsidy #SerbisyongMayPusoAtMalasakit #TayoAngBagongLaurel


Post a Comment

0 Comments