Municipality of Laurel | 9th among the Top 10 Local Government Units with the Highest Tourist Arrival during Holy Week 2026

 


Isang malaking karangalan para sa Bayan ng Laurel ang mapabilang sa Top 10 Local Government Units sa lalawigan ng Batangas na may mataas na bilang ng tourist arrivals nitong nakaraang Semana Santa, kung saan nakamit natin ang Top 9 spot sa parangal na ginanap noong Abril 27, 2026 sa Dream Zone, Capitol Compound; patunay ito ng likas na ganda ng ating bayan at ng mainit na pagtanggap ng bawat Laureleño sa ating mga bisita. Ipinagmamalaki rin natin ang pagkilala kay Marivic A. Mayuga bilang OUTSTANDING LOCAL TOURISM OFFICER, katuwang sina Glenn Magsumbol at Melan Rodriguez at ang ating mga OJT trainees sa kanilang sipag at dedikasyon sa paglilingkod.

 Taos-pusong pasasalamat sa PTCAO, Pamahlaang Lokal, sa ating mga tourism stakeholders, simbahan, negosyo, security at first responders, barangay officials, at sa lahat ng Laureleño na patuloy na sumusuporta—sama-sama nating ipagpatuloy ang pagyabong ng turismo sa ating mahal na bayan!

Post a Comment

0 Comments