𝐋𝐆𝐔 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄𝐒: 𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐋𝐈𝐍𝐈𝐒 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐀𝐘𝐎𝐒 𝐍𝐀 𝐋𝐀𝐔𝐑𝐄𝐋

 




Isinagawa ang 𝐖𝐚𝐬𝐭𝐞 𝐀𝐧𝐚𝐥𝐲𝐬𝐢𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐚𝐜𝐭𝐞𝐫𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐲 (𝐖𝐀𝐂𝐒) bilang bahagi ng research-based na pag-aaral upang malaman at matukoy ang dami, uri, at komposisyon ng mga basurang nalilikha sa ating bayan.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬, sa pamamagitan ng 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐄𝐧𝐯𝐢𝐫𝐨𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐍𝐚𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐑𝐞𝐬𝐨𝐮𝐫𝐜𝐞𝐬 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐆𝐄𝐍𝐑𝐎), sa pangunguna ng ating 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐄𝐧𝐯𝐢𝐫𝐨𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐍𝐚𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐑𝐞𝐬𝐨𝐮𝐫𝐜𝐞𝐬 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫 (𝐌𝐄𝐍𝐑𝐎), 𝐌𝐬. 𝐁𝐞𝐫𝐧𝐚𝐝𝐞𝐭𝐭𝐞 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐬𝐭𝐞𝐥𝐚, katuwang ang mga mag-aaral ng Batangas State University mula sa kursong Sanitary Engineering.

Isasagawa ang WACS mula Setyembre 1 - 4, 2026, upang makalikom ng wasto at mahalagang datos na magsisilbing gabay sa pag-update at pagpaplano ng mas epektibong Solid Waste Management Program ng Bayan ng Laurel para sa 2027.

Sa pamamagitan ng tumpak na datos at masusing pag-aaral, mas makabubuo tayo ng angkop na mga estratehiya para sa wastong pamamahala ng basura, resource recovery, at pagpapanatili ng mas malinis at mas maayos na kapaligiran para sa bawat Laureleño. 🌱♻️

Tungo sa mas maayos na pamamahala ng basura, para sa mas malinis na kinabukasan ng Bayan ng Laurel! 💚

#BLMUpdates #WACS #WasteManagement #MENROLaurel #MasMalinisNaLaurel See less

Post a Comment

0 Comments