Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na makatulong sa mga pamilyang Laureleno, sinimulan ngayong araw ang 𝗞𝗶𝗰𝗸-𝗢𝗳𝗳 𝗻𝗴 𝗥𝗶𝗰𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗯𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 – 𝗥𝗶𝗰𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝘁𝗼 𝗜𝗻𝗱𝗶𝗴𝗲𝗻𝘁 𝗜𝗻𝗱𝗶𝘃𝗶𝗱𝘂𝗮𝗹𝘀 𝗼𝗿 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝗶𝗲𝘀 𝗙𝗼𝗼𝗱 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 para sa mga kwalipikadong household sa Bayan ng Laurel.
Ang programang ito ay bahagi ng layunin ng pamahalaan na maihatid ang agarang suporta at tulong sa bawat bayan sa pilipinas. Isinasagawa ito sa ilalim ng 𝗕𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗻𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pamamagitan ng 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗙𝘂𝗻𝗱 (𝗟𝗚𝗦𝗙).
Samantala, pinangunahan ang kick-off activity ng Ama ng ating Bayan, 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 - 𝗛𝗼𝗻. 𝗟𝘆𝗻𝗱𝗼𝗻 𝗠. 𝗕𝗿𝘂𝗰𝗲, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina 𝗛𝗼𝗻. 𝗦𝘆𝗹𝘃𝗶𝗮 𝗔𝘂𝘀𝘁𝗿𝗶𝗮, 𝗛𝗼𝗻. 𝗟𝗶𝘁𝗼 𝗥𝗼𝗱𝗿𝗶𝗴𝘂𝗲𝘇, 𝗛𝗼𝗻. 𝗞𝗶𝗸𝗼 𝗘𝗻𝗱𝗼𝘇𝗼, 𝗛𝗼𝗻. 𝗜𝗿𝗶𝘀 𝗝𝗼𝘆𝗰𝗲 𝗝𝗶𝗺𝗲𝗻𝗲𝘇, 𝗛𝗼𝗻. 𝗡𝗼𝗿𝘃𝗶𝗰 𝗚𝗮𝗰𝗶𝗮, 𝗮𝘁 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗼𝗺𝘂𝗹𝗼 𝗠𝗮𝗰𝗮𝗿𝗮𝗶𝗴.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pambansa at lokal na pamahalaan, patuloy na isinusulong ang mga programang nagbibigay ng konkretong suporta at direktang pakinabang sa mga mamamayan.
𝗦𝗮𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗟𝗮𝘂𝗿𝗲𝗹, 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮, 𝗮𝘁 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗟𝗮𝘂𝗿𝗲𝗹𝗲ñ𝗼 𝗮𝘆 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗻𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴. 💚🍚
#LGUUpdates #MunicipalityOfLaurel #LaurelBatangas #RiceDistributionProject #FoodAssistance #BawatBayanMakikinabang #TayoAngBagongLaurel #BagongLaurelMaunlad
0 Comments